Chismoso

While aboard a train to Monumento, I could not help but notice this guy who gives his remark by making faces while listening to two ladies sitting across him. I suddenly thought of how we humans can be too emphatic or just plainly curious on the life of other people we never have any personal relationship with. Here is my first attempt of writing a poem in Filipino. Enjoy!

the_pinoy_warrior LRT

Chismoso

ni: Edison Manalo

Titigil ako at titingin sa kawalan para panandaliang mawala sa mundo

o di kaya ay paulit ulit na babasahin ang mga paskil hanggang sa maumay, mawala, malunod sa isang bagong mundo gawa lang ng pag uga ng tren-

pero hindi ang mga tenga kong bukas na bukas.

handang handa na kahit ang pinaka maliit na hagok, hikab o hikbi ay hindi palalampasin

“si ate Tata nga nag aero kanina kasi yung boyfriend niya uuwi na”

“talaga? yung matandang kano sa Facebook?”

“oo yun nga swerte niya no?”

“kung wala lang to si Bonbon nag Facebook nadin ako”

sabay ang nakaririnding tawanan habang ako sa tabi ay

nagpupumilit ibalik ang mga nangingilid kong mata para mas masubaybayan ko ang parang eksenang pang radyo

nagpupumilit itago ang mga kunot ng noo o ang tawang pautal utal na gumuguhit sa labi ko,

nagpupumilit na wag magsalita dahil sa isip ko ay buo na ang bawat komento, suhestyon pati panlalait na sasabihin ko sa lahat ng napagusapan nila.

pigil na pigil kong nilunok an aking laway dahil parang may kati na nagsusumuot sa isip ko na isambulat ang mga gusto kong sabihin-

buti nalang binusalan ako ng tawag ng istasyong bababaan ko,

at unti unting nagkamalay habang pautay utay din nawawala ang usapang

panandaliang pinakialaman ko

kwentong di ko na maitutuloy

o magiging akin man lang.

photo courtesy of http://www.thepinoywarrior.com/2012/01/lrt-rush-hour.html

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s